Great Hall of the People, Beijing, Tsina—Nakipag-usap Miyerkules, Oktubre 9, 2019 si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Manasseh Sogavare, dumadalaw na Punong Ministro ng Solomon Islands.
Sinabi ni Li na ang pormal na pagkakatatag ng Tsina at Solomon Islands ng relasyong diplomatiko ay angkop sa pundamental na kapakanan ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Malakas na makakapagpasulong din aniya ito sa komong kaunlaran ng kapuwa panig, at makakabuti sa magkasamang pangangalaga ng mga bansa sa rehiyon ng katatagan, at pagsasakatuparan ng kasaganaan.
Dagdag ni Li, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng Solomon Islands, na palakasin ang South-South Cooperation at pagpapalitan ng karanasan. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang magkabilang panig, para likhain ang bagong prospek ng kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Sogavare na nakahanda ang kanyang bansa na batay sa pagkakapantay-pantay, mutuwal na kapakinabangan at paggagalangan, aktibong sumali sa konstruksyon ng Belt and Road, hiramin ang karanasang pangkaunlaran ng Tsina, at pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, agrikultura at industriya ng pangingisda, imprastruktura, edukasyon, kultura at iba pa.
Pagkatapos ng pag-uusap, sumaksi sila sa paglagda ng mga kasunduan sa bilateral na kooperasyon sa diplomasya, kabuhayan, teknolohiya, edukasyon at iba pa.
Salin: Vera