Agriculture Counsellor Ana Abejuela: Inilahad ang mga paghahanda para sa CIIE

(GMT+08:00) 2019-10-12 16:16:57       CRI2019-10-12 16:16:58

Noong 2018 idinaos ang kauna-unahang China International Import Expo. Lumahok dito ang Pilipinas at naging matagumpay ito. Itinanghal dito ang piling mga produktong pagkain at agrikultural ng Pilipinas. Umabot sa US$ 124 million ang naiulat na benta o sales ng Philippine pavilion sa CIIE noong isang taon. At ngayong taon muling sasali ang Pilipinas sa highly anticipated na ekspo na gaganapin muli sa Shanghai ngayong Nobyembre 5 – 10, 2019.

Agriculture Counsellor Ana Abejuela: Inilahad ang mga paghahanda para sa CIIE

Ms. Ana Abejuela, Agriculture Counsellor ng Pilipinas sa Tsina

Pakinggan ang ikalawang bahagi ng interview ni Mac Ramos kay Ms. Ana Abejuela, Agriculture Counsellor ng Pilipinas sa Tsina na nakatuon sa partisipasyon sa ikalawang CIIE at kung bakit ito mahalaga para sa mga produktong Pilipino. Laman din ng episode na ito ang pagbati ni Counsellor Abejuela sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina.

Agriculture Counsellor Ana Abejuela: Inilahad ang mga paghahanda para sa CIIE

Sina Agriculture Counsellor Ana Abejuela at Commercial Counsellor Glen Penaranda sa Philippine Agriculture Policy Seminar na bahagi ng mga aktibidad kaugnay ng China ASEAN Forum on Agri Cooperation nitong Setyembre 2019 sa Nanning, Guangxi.