Binuksan nitong Lunes, Oktubre 14, 2019 sa Macao ang Ika-8 Global Tourism Economy Forum. Ang tema ng nasabing forum ay "Tourism and Leisure: Roadmap to a Beautiful Life."
Ipinalalagay ng mga kalahok na panauhing Tsino't dayuhan na ang turismo ay pinakamasiglang larangan na may pinakamalaking nakatagong lakas at pinakamalawakang komong palagay sa proseso ng pagpapalitang pangkabuhaya't pangkalakalan at people-to-people exchanges ng daigdig, at malakas ang tunguhin ng pag-unlad nito. Sa hinaharap, dapat anilang palawakin ang pagbubukas at kooperasyon ng industriya ng turismo, para likhain ang magandang pamumuhay.
Kalahok dito ang halos 2,000 opisyal ng pamahalaan, lider ng sirkulo ng turismo, dalubhasa at iskolar mula sa iba't ibang sulok ng mundo.
Salin: Vera