Paghahanda para sa Ika-2 CIIE, maayos; Pilipinas, muling lalahok

(GMT+08:00) 2019-10-18 16:01:21       CRI2019-10-18 16:01:22

Nakatakdang buksan Nobyembre 5, sa Shanghai, ang Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Ayon sa panayam ngayong araw ng China Media Group sa tagapag-organisa ng CIIE, maayos ang paghahanda para sa ekspo. Mahigit 60 bansa ang kumpirmadong lalahok dito na kinabibilangan ng Pilipinas.

Sa unang CIIE noong 2018, lumahok din ang delegasyong Pilipino na pinangunahan ni Kalihim Ramon Lopez ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI).

Salin: Jade
Pulido: Rhio