Pinasinayaan nitong Huwebes, Oktubre 17, 2019 ang China-Association of Southeast Asian Nations (ASEA) Beidou Global Navigation Satellite System (Nanning) Center. Palalawakin ng pagtatatag ng nasabing sentro ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa larangan ng satellite navigation.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpapasinaya, ipinahayag ni Ran Chengqi, Direktor ng Tanggapan ng Pangangasiwa sa Sistema ng Satellite Navigation ng Tsina, na noong katapusan ng nagdaang taon, sinimulang ipagkaloob ng Beidou Navigation Satellite System ang serbisyo sa buong mundo. Aniya, malawakan nang ginamit ang nasabing sistema sa mga larangang gaya ng transportasyon, seguridad na pampubliko, pagmomonitor na hydrolohikal, prediksyong meteorolohikal, disaster relief at iba pa. Naitatag na ng Tsina ang mekanismo ng kooperasyon sa satellite navigation sa mahigit 30 bansa't organisasyong pandaigdig, dagdag ni Ran.
Salin: Vera