Idinaraos sa Wuzhen, lalawigang Zhejiang sa timog silangan ng Tsina, ang Ika-6 na World Internet Conference (WIC). Sa kanyang mensaheng pambati sa pulong, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba't ibang bansa, na magkakasamang palakasin ang pandaigdig na pangangasiwa sa cyberspace, at buong sikap na pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan sa sektor na ito.
Ang taong ito ay ika-50 anibersaryo ng paglikha ng Internet. Habang pinapasulong ang madaling pagdaloy ng impormasyon at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, idinudulot din ng Internet ang mga panganib at hamong gaya ng pag-atake ng hacker, pagbubunyag ng pribasiya, online na pagmamanman, cyberterrorism, at iba pa. Samantala, isinasagawa naman ng ilang bansa ang hegemonismo sa cyberspace, at hinahadlangan ang pag-unlad ng teknolohiya at industriya ng Internet ng ibang bansa. Ito rin ay nagdudulot ng pagkabahala sa komunidad ng daigdig.
Ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan sa cyberspace ay bahagi ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan na iniharap ng Tsina. Ito ay sumasabay sa tunguhin ng information era, at nagpapakita rin ng komong hangarin ng komunidad ng daigdig.
Ang susi sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan sa cyberspace ay pagtataguyod ng ideya ng pandaigdig na pangangasiwa batay sa magkakasamang konsultasyon, komong ambag, at pinagbabahaginang benepisyo, at paggigiit din sa prinsipyo ng pangangasiwa ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa sa mga suliraning pandaigdig. Kung magkakaganito lamang, tunay na makikinabang ang sangkatauhan sa mga bunga ng pag-unlad ng Internet.
Salin: Liu Kai