Joko Widodo, nanumpa sa tungkulin sa kanyang ika-2 termino bilang pangulo ng Indonesia

(GMT+08:00) 2019-10-21 11:45:05       CRI2019-10-21 11:45:06

Jakarta, Indonesya—Nanumpa nitong Linggo, Oktubre 20, 2019 sa tungkulin si Joko Widodo, para pormal na simulan ang kanyang ika-2 termino bilang pangulo ng Indonesya.

Joko Widodo, nanumpa sa tungkulin sa kanyang ika-2 termino bilang pangulo ng Indonesia

Sa kanyang maikling talumpati pagkaraang manumpa sa tungkulin, ipinangako ni Widodo na gagawing pokus ng administrasyon sa kanyang ika-2 termino ang pagpapaunlad ng yamang-tao at paglikha ng pagkakataon ng hanap-buhay. Iniharap din niya ang target ng pag-unlad. Aniya, sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng bansa, magiging kabilang sa unang limang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig ang Indonesya. Aniya, sa darating na limang taong termino, pamumunuan niya ang pamahalaan para igarantiya ang pagsasakatuparan ng nasabing target.

Salin: Vera