Tax refund para sa mga dayuhang turista, itataas ng Thailand sa pinakamalaking halaga

(GMT+08:00) 2019-10-21 15:50:26       CRI2019-10-21 15:50:27

May plano ang Thailand, na pataasin sa pinakamalaking halaga ang tax refund para sa mga dayuhang turista sa mga downtown agent. Ang kasalukuyang halaga ay 12,000 Baht, at may pag-asang tataas ito sa 30,000 Baht.

Ito ang isiniwalat kamakailan ng Revenue Department ng Thailand. Anito, ang hakbangin ay para bigyang-ginhawa ang mga dayuhang turista, at pasiglahin ang kanilang paggasta.

Salin: Liu Kai