Idinaos kamakailan ang araw ng pagbubukas ng Aklatan ni Prinsesang Maha Chakri Sirindhorn sa Confucius Institute ng Chulalongkorn University ng Thailand.
Ang nasabing aklatan na itinayo noong 2015 ay unang aklatan ng mga aklat na Tsino sa Bangkok. Ito rin ang pinakakomprehensibo sa buong bansa sa koleksyon ng mga aklat na Tsino. Layon nitong maglingkod sa mga mag-aaral ng wikang Tsino at mananaliksik sa isyung may kinalaman sa Tsina.
Sa kasalukuyan, mahigit 27,000 ang kabuuang bilang ng mga aklat sa aklatang ito, at walang humpay pang tumataas ang bilang at kalidad ng mga aklat.
Salin: Vera