NAM, nanawagan para sa pagpapasulong ng multilateralismo

(GMT+08:00) 2019-10-27 14:52:08       CRI2019-10-27 14:52:09

Ipininid kahapon, Sabado, ika-26 ng Oktubre 2019, sa Baku, kabisera ng Azerbaijan, ang Ika-18 Summit ng Non-Aligned Movement (NAM).

Pinagtibay sa summit ang deklarasyon bilang patnubay sa pag-unlad ng Non-Aligned Movement sa hinaharap, kung saan binigyang-diin ang pagpapalakas ng kasiglahan at episiyensiya ng organisasyong ito, pagpapasulong ng multilateralismo, at pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa iba't ibang rehiyon ng daigdig.

Salin: Liu Kai