Xi Jinping, bumati sa ika-15 anibersaryo ng pagluluklok sa trono ng Haring Kambodyano

(GMT+08:00) 2019-10-29 16:20:07       CRI2019-10-29 16:20:08

Martes, Oktubre 29, 2019, nagpadala ng mensahe si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Haring Norodom Sihamoni, bilang pagbati sa ika-15 anibersaryo ng pagluluklok sa trono ng huli.

Tinukoy ni Xi na sapul nang maupo sa trono, gumawa si Haring Sihamoni ng mahalagang ambag para sa pangangalaga sa unipikasyon ng nasyon, at pagpapasulong ng pag-unlad ng bansa. Aniya, sa bagong kondisyong historikal, nakahanda siyang magsikap, kasama ni Haring Sihamoni, para manahin ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, pataasin ang lebel ng estratehikong kooperasyon, at pasulungin ang pagtatamo ng bagong bunga ng konstruksyon ng community with a shared future ng Tsina at Kambodya.

Salin: Vera