Tsina, pinuna ang iilang bansa sa sinasadyang paglikha ng kaguluhan sa kooperasyon ng Silangang Asya

(GMT+08:00) 2019-11-04 18:32:47       CRI2019-11-04 18:32:48

Pinuna ni Pangalawang Ministrong Panlabas Le Yucheng ng Tsina ang iilang bansa mula sa labas ng rehiyong ito, na gamitin ang isyu ng South China Sea, para lumikha ng tensyon at manggulo sa kooperasyon ng Silangang Asya.

Winika ito ni Le pagkaraan ng Summit ng Kooperasyon ng Silangang Asya na idinaos ngayong araw, Lunes, ika-4 ng Nobyembre sa Bangkok, Thailand.

Sinabi rin niyang, mainam ang pag-uugnayan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa isyu ng South China Sea. May kahandaan, kakayahan, at kompiyansa ang mga bansang ito na panatilihin ang kapayapaan at katatagan sa karagatang ito.