Nagbukas ngayong umaga sa Shanghai, economic hub sa dakong silangan ng Tsina ang Ika-2 China International Import Expo (CIIE). Kalahok dito ang mahigit 3,000 kompanya mula sa 150 bansa't rehiyon, na kinabibilangan ng delegasyon ng Pilipinas na pinangungunahan ni Kalihim Ramon Lopez ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI).
Upang ipakilala sa buong daigdig ang pinakamalaking pandaigdig na ekspo ng pag-aangkat, inilunsad ng China Media Group (CMG) ang limang istudyo ng teknolohiyang 4K at 8K. Iniuulat din nito ang ekspo sa iba't ibang plataporma sa 44 na wika.
Salin: Jade