Mahalagang breakthrough, natamo ng Ika-3 RCEP Summit

(GMT+08:00) 2019-11-05 12:22:01       CRI2019-11-05 12:22:02

Idinaos nitong Lunes, Nobyembre 4, 2019 sa Bangkok, Thailand ang Ika-3 Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Summit. Sa magkakasanib na pahayag na inilabas ng mga kalahok sa lider pagkatapos ng summit, ipinatalastas nitong natapos na ng 15 kasaping bansa ng RCEP ang lahat ng mga talastasan sa teksto at talastasan sa market access. Anang pahayag, magpupunyagi ang mga bansa para maigarantiya ang paglagda ng kasunduan sa susunod na taon.

Dagdag ng pahayag, malinaw na pasusulungin ng RCEP ang pag-unlad ng rehiyon sa hinaharap, gagawin ang positibong ambag para sa kabuhayang pandaigdig, at magiging malakas na suporta sa sistema ng multilateral na kalakalan.

Ayon sa pahayag, may mga di-nalutas na problema ang India, at reresolbahin ng lahat ng mga kasaping bansa ang nasabing mga problema, sa pamamagitan ng kooperason at paraang ikakasiya ng iba't ibang panig.

Salin: Vera