Panig pulisya ng Britanya, isinapubliko ang identidad ng mga nasawi sa trak

(GMT+08:00) 2019-11-09 13:53:41       CRI2019-11-09 13:53:42

Isinapubliko nitong Biyernes, Nobyembre 8, 2019 ng panig pulisya ng Essex ng Britanya ang impormasyon ng pagkakakilanlan na gaya ng pangalan at edad ng 39 na nasawi sa isang trak noong nagdaang buwan.

Ayon sa pahayag ng panig pulisya, ang lahat ng 39 na nasawi ay galing sa Biyetnam, 20 hanggang 40 taong gulang ang edad ng karamihan sa kanila, at di-kukulangin sa 20 taong gulang ang 10 nasawi. Nakumpirma na ang identidad ng lahat ng mga biktima, at nakipag-ugnayan ang panig Britaniko sa panig Biyetnames tungkol dito, dagdag ng panig pulisya.

Salin: Vera