Tsina at ASEAN, palalalimin ang kooperasyong pandepensa at panseguridad

(GMT+08:00) 2019-11-17 15:20:48       CRI2019-11-17 15:20:49

Idinaos ngayong araw, Linggo, ika-17 ng Nobyembre 2019, sa Bangkok, ang Ika-10 Di-pormal na Pulong ng mga Ministro ng Tanggulan ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Nangulo sa pulong sina Wei Fenghe, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina; at Prawit Wongsuwan, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN.

Positibo ang mga opisyal ng Tsina at 10 bansang ASEAN sa mga natamong bunga ng dalawang panig sa kooperasyong pandepensa at panseguridad. Ipinahayag nilang, dapat panatilihin ang mahigpit na interaksyon ng Tsina at ASEAN, patatagin ang pagtitiwalaan, at pasulungin ang kooperasyon. Sinang-ayunan din nilang, patuloy na isagawa ang magkasanib na pagsasanay sa dagat, at palalimin ang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng pagsasanay ng mga tauhan, pagpapalitan sa kasangkapan at teknolohiya, pagsasagawa ng aksyong panaklolo sa mga kapahamakan, paglaban sa terorismo, at iba pa. Ito anila ay para magkakasamang pangalagaan ang katiwasayan at katatagan ng rehiyong ito.

Salin: Liu Kai