Punong tagapayong pulitikal ng Tsina, dumalaw sa Laos; bilateral na relasyon, isusulong

(GMT+08:00) 2019-11-20 08:51:01       CRI2019-11-20 08:51:02

Dumalaw sa Laos si Wang Yang, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), punong organong tagapayong pulitikal ng Tsina, mula Nobyembre 16 hanggang Nobyembre 19. Nakahanda ang dalawang bansa na ibayo pang pasulungin ang pagtutulungan at pag-uugnayan sa iba't ibang larangan.

Punong tagapayong pulitikal ng Tsina, dumalaw sa Laos; bilateral na relasyon, isusulong

Punong tagapayong pulitikal ng Tsina, dumalaw sa Laos; bilateral na relasyon, isusulong

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Bounnhang Vorachit ng Laos, sinabi ni Wang na ang plano ng aksyon hinggil sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa Tsina't Laos na nilagdaan ng dalawang bansa nitong nagdaang Abril ay nagsisilbing patnubay sa pagpapasulong ng bilateral na ugnayan sa hinaharap. Ipinahayag din ni Wang ang kahandaan ng Tsina na pahigpitin ang estratehikong pag-uugnayan ng Belt and Road Initiative (BRI) at pambansang estratehiya ng Laos na baguhin ang bansa mula sa landlocked tungo sa land-linked na hub. Kasabay nito, pasusulungin ang pagtatatag ng China-Laos Economic Corridor, dagdag pa ni Wang.

Ipinahayag naman ni Bounnhang ang kagustuhan ng Laos sa pagpapatupad sa plano ng aksyon ng dalawang bansa, pagkakatigan ng isa't isa sa mga nukleong usaping kapuwa pinahahalagahan, at koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.

Sa kanyang apat na araw na biyahe, nakipagtagpo rin si Wang kina Punong Ministro Thongloun Sisoulit, Presidente ng Pambansang Asemblea Pany Yathotou, at iba pa.

Punong tagapayong pulitikal ng Tsina, dumalaw sa Laos; bilateral na relasyon, isusulong

Punong tagapayong pulitikal ng Tsina, dumalaw sa Laos; bilateral na relasyon, isusulong

Salin: Jade
Pulido: Mac