Nakipagtagpo ngayong araw, Biyernes, ika-22 ng Nobyembre 2019, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika.
Hinahangaan ni Xi ang positibong pagsisikap at mahalagang ambag ni Kissinger sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Amerikano nitong mga taong nakalipas.
Sinabi ni Xi, na dapat palakasin ng Tsina at Amerika ang komunikasyon sa mga estratehikong isyu, para palalimin ang pag-uunawaan at iwasan ang maling pagkalkula. Batay sa mga saligang interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig, dapat pasulungin ng dalawang bansa ang kanilang relasyon tungo sa tamang direksyon, dagdag niya.
Ipinahayag naman ni Kissinger, na may pataas-baba ang relasyong Amerikano-Sino, pero ang pangkalahatang tunguhin ay pag-unlad. Ipinalalagay niyang, dapat magsikap ang dalawang bansa para makita ang maayos na solusyon sa mga pagkakaiba, at ipagpatuloy ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang aspekto. Ito aniya ay mahalaga para sa kapwa bansa at buong daigdig.
Salin: Liu Kai