Ika-21 pulong ng mga ministro ng kapaligiran ng Tsina, Hapon at Timog Korea, ginanap sa Hapon

(GMT+08:00) 2019-11-25 11:40:16       CRI2019-11-25 11:40:17

Kitakyushu City, Hapon—Mula noong Nobyembre 23 hanggang Nobyembre 24, ginanap ang ika-21 pulong ng mga ministro ng kapaligiran ng Tsina, Hapon at Timog Korea. Isinalaysay g mga kalahok na ministro ng tatlong bansa ang mga sarili nilang patakaran sa kapaligiran at pinakahuling progreso sa aspektong ito. Nagpalitan din sila ng kuru-kuro sa mga paksang may kinalaman sa kapaligirang panrehiyon at pandaigdig.

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinagdiinan ni Li Ganjie, Ministro ng Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, na hinahangaan ng panig Tsino ang ginagawang ambag ng Hapon at Timog Korea para sa sustenableng pag-unlad ng rehiyon. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng ibang dalawang bansa, na palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga isyu ng kapaligirang ekolohikal na pinahahalagahan ng lahat ng panig, pasulungin ang kooperasyon ng "Tsina, Hapon, Timog Kroea plus X" sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, at gawin ang positibong ambag para sa pagsasakatuparan ng sustenableng pag-unlad ng Silangang Asya, maging ng mas malawak pang rehiyon.

Pinagtibay at nilagdaan sa pulong ang magkakasanib na komunike.

Salin: Vera