Timog Korea, umaasang patataasin sa bagong antas ang relasyon sa ASEAN

(GMT+08:00) 2019-11-26 16:16:40       CRI2019-11-26 16:16:41

Bilang bahagi ng Espesyal na Summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Timog Korea, idinaos kahapon, Lunes, ika-25 ng Nobyembre 2019, sa Busan, Timog Korea, ang summit ng mga business leader ng dalawang panig.

Sa kanyang talumpati sa summit, sinabi ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, na mabilis na umuunlad ang relasyon ng Timog Korea at ASEAN, at sa kasalukuyan, ang ASEAN ay ikalawang pinakamalaking trade partner ng Timog Korea.

Ipinahayag din niya ang pag-asang patataasin sa bagong antas ang relasyon ng dalawang panig.

Salin: Liu Kai