Inilabas kamakailan ng Pangkalahatang Tanggapan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Konseho ng Estado ng bansa ang patnubay hinggil sa pagpapalakas ng pangangalaga sa karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR). Ipinahayag dito sa Beijing nitong Lunes, Nobyembre 25, 2019 ni Gan Shaoning, Pangalawang Direktor ng Pambansang Kawanihan ng Pangangalaga sa IPR ng Tsina, na hindi lamang gumagalang at nangangalaga ang Tsina sa IPR ng ibang bansa, kundi umaasa rin itong mapapangalagaan ng mga pamahalaang dayuhan ang IPR ng Tsina.
Dagdag ni Gan, isinasagawa ng Tsina ang pantay na pangangalaga sa lahat ng mga may kinalaman sa pamilihan, para likhain ang mas magandang kapaligiran ng inobasyon at negosyo. Samantala, palalakasin aniya ang serbisyo ng pagbibigay-tulong sa pangangalaga ng mga bahay-kalakal ng Tsina sa sarili nilang IPR sa ibayong dagat.
Salin: Vera