Isang espesyal na aktibidad ang itinaguyod nitong Linggo, Disyembre 1, 2019 ng Embahada ng Tsina sa Thailand bilang pagbati sa pagkakakuha ni Prinsesa Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand ng Friendship Medal ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa aktibidad, pinapurihan ni Lv Jian, Embahador ng Tsina sa Thailand, ang namumukod na ambag ni Prinsesa Sirindhorn para sa pagpapalaganap ng kulturang Tsino, pagpapasulong sa pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Thailand, at pagpapahigpit ng tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa. Nanawagan siya sa mga kaibigan sa iba't ibang sirkulo na pasulungin ang pagkakaibigang Sino-Thai sa bagong panahon.
Ipinahayag naman ng Prinsesang Thai na tuwang-tuwa siyang sumaksi at sumali sa proseso ng pag-unlad ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Patuloy aniya siyang magpupunyagi para mapasulong ang pagpapatibay at pagpapalalim ng pagkakaibigang ito.
Salin: Vera