Premyer ng Tsina at Pangulo ng El Salvador, nagtagpo

(GMT+08:00) 2019-12-04 14:42:34       CRI2019-12-04 14:42:35

Beijing - Nagtagpo Disyembre 3, 2019, sa Great Hall of the People, sina Premiyer Li Keqiang ng Tsina, at Pangulong Nayib Armando Bukele Ortez ng El Salvador na dumadalaw sa Tsina.

Ipinahayag ni Li na walang humpay na umuunlad ang relasyon ng Tsina at El Salvador sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa noong nakaraang taon. Bukod dito, nagtatagpo rin sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Bukele para balangkasin ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap. Ani Li, sinusuportahan ng Tsina ang pagsisikap ng El Salvador para sa katatagan ng bansa at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng El Salvador, para lumikha ng mas magandang kinabukasan ng dalawang bansa. Dagdag ni Li, may malaking potensyal ang kooperasyon ng Tsina at El Salvador, at nakahanda ang Tsina na palakasin ang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Bukele na malalim ang pagkakaibigan ng El Savador at Tsina. Mabilis di aniya ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, at mabunga ang kooperasyon sa iba't ibang larangan. Ang kooperasyon ng dalawang bansa ay tiyak na magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa El Salvador, saad niya. Buong tatag din aniyang kinakatigan ng El Salvador ang patakarang Isang Tsina, at nakahandang palalakasin ang diyalogo at kooperasyon sa Tsina.

Lumahok din sa pagtatago si He Lifeng.

Salin:Sarah