Proyekto ng pagtatanghal ng mga pelikula sa dalampasigan, tampok ng Ika-2 HIIFF

(GMT+08:00) 2019-12-06 11:48:59       CRI2019-12-06 11:49:00

Sa ika-2 Hainan Island International Film Festival (HIIFF) na ginaganap sa Sanya, lalawigang Hainan ng Tsina, itatanghal ang mahigit 100 namumukod na pelikula mula sa iba't ibang sulok ng mundo. Ang katangi-tanging proyekto ng pagtatanghal ng mga pelikula sa dalampasigan ay nagsisilbing isa sa mga tampok ng nasabing pestibal.

Ang proyekto ng pagtatanghal ng mga pelikula sa dalampasigan sa kasalukuyang taon ay idinaraos mula ika-3 hanggang ika-8 ng Disyembre. Ang mga klasikal na pelikula ng iba't ibang bansa sa loob ng mahigit 100 kasaysayan ng industriya ng pelikula ay libreng itinatanghal dito para sa publiko.

Salin: Vera