Promosyon ng tatak ng Serbisyo Malay ng CMG, ginanap sa Malaysia

(GMT+08:00) 2019-12-10 13:57:34       CRI2019-12-10 13:57:35

Kuala Lumpur, Malaysia—Ginanap nitong Linggo, Disyembre 8, 2019 ang promosyon ng brand o tatak ng Serbisyo Malay ng China Media Group (CMG).

Sa panahon ng nasabing promosyon, inilunsad ng Serbisyo Malay ng CMG ang dalawang aklat sa wikang Malay na inilathala nito, kasama ng Dewan Bahasa dan Pustaka (DBP) o Instituto ng Wika at Panitikan ng Malaysia. Ang isa sa mga aklat na ito ay tungkol sa paglalakbay sa Xi'an, punong lunsod ng Lalawigang Shaanxi ng Tsina. At ang isa pa ay antolohiya ng mga klasikal na kuwento ng karunungan ng Tsina.

Salin: Vera