Philippine-Fujian (Quanzhou) TV Week, binuksan sa Manila

(GMT+08:00) 2019-12-11 17:25:34       CRI2019-12-11 17:25:35

Manila, Pilipinas—Binuksan dito nitong Lunes, Disyembre 9, 2019 ang Vision of Fujian: Philippine-Fujian (Quanzhou) TV Week sa taong 2019.

Philippine-Fujian (Quanzhou) TV Week, binuksan sa Manila

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinatalastas ng Chinatown TV ng Pilipinas na bubuksan nito ang Chinese TV channel, at isasagawa ang mas mahigpit na kooperasyon sa Quanzhou Radio and Television ng Lalawigang Fujian, Tsina. Sa panahon ng nasabing kaganapan, isasahimpapawid sa IBC 13, Chinatown TV at mga media ng Cebu at Davao ang mga dokumentaryo, TV series at animation ng Tsina.

Ang kasalukuyang TV week ay isa sa mga mahalagang aktibidad ng Taon ng Pagpapalitan ng Media ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Salin: Vera