Dating tagapangulo ng kongreso ng Thailand, hanga sa mga isinagawang hakbangin ng pamahalaang Tsino sa isyu ng Xinjiang

(GMT+08:00) 2019-12-11 16:42:33       CRI2019-12-11 16:42:34

Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Pokin Palakul, dating Tagangulo ng Kongreso at dating Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na tangka ng Amerikang lumikha ng kontradiksyon sa loob ng Tsina, gamit ang isyu ng karapatang pantao, at magpataw ng presyur-pulitikal sa Tsina. Pero aniya, ang tagumpay at pag-unlad ng iba't ibang nasyonalidad ng Tsina ay patunay, na tumpak ang isinagawang hakbangin ng pamahalaang Tsino sa isyu ng Xinjiang.

Dagdag niya, pumunta siya sa rehiyon ng pambansang minoriya ng Tsina, at sinabi sa kanya ng mga mamamayan doon na lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pag-unlad ng mga etnikong grupo.

Salin: Vera