Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap 2:11 p.m., ngayong hapon, Linggo, ika-15 ng Disyembre 2019, ang 6.9-magnitude na lindol sa katimugan ng Mindanao.
Ayon sa Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay mga 6 na kilometro ang layo mula sa Padada, Davao Del Sur. Anito, malakas ang pagyanig na maaaring magdulot ng kapinsalaan at mga aftershock. Pero, wala pang kasuwalti at kapinsalaan ang naiuulat.
Salin: Liu Kai