Palabas ng kultura at sining ng Xinjiang, idinaos sa Malaysia

(GMT+08:00) 2019-12-22 16:01:27       CRI2019-12-22 16:01:28

Idinaos kagabi, Sabado, ika-21 ng Disyembre 2019, sa Klang, Negeri Selangor, Malaysia, ang palabas na "Magandang Xinjiang." Ito'y itinanghal ng isang tropang pansining mula sa Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang ng Tsina, at ito ang huling palabas ng nasabing tropang pansining sa 7-araw na biyahe ng pagtatanghal sa iba't ibang lugar ng Malaysia.

Ang tropang ito ay binubuo ng mahigit 20 alagad ng sining. Itinanghal nila ang mga palabas sa pamamagitan ng pagkanta, pagsayaw, at pagtutugtog ng instrumento, na nagtatampok sa katutubong kultura at sining ng iba't ibang etnikong grupo sa Xinjiang, na gaya ng Uygur, Kazak, at iba pa.

Salin: Liu Kai