Chengdu — Sa kanyang pagdalo sa ika-7 Business Summit ng Tsina, Hapon, at Timog Korea, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na natapos sa kabuuan kamakailan sa Bangkok, Thailand ng 15 kasaping bansa ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ang talastasan. Aniya, ito ay sumasagisag na natamo ng konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan na may pinakamalaking populasyon, pinakamaraming estruktura ng mga miyembro, at pinakamalaking potensyal ng pag-unlad sa buong daigdig, ang mahalagang breakthrough, bagay na magkakaloob ng malakas na suporta at mabuting dagdag para sa pagtatatag ng sistema ng multilateral na kalakalan sa daigdig. Bukod dito, ipagkakaloob din nito ang malaking kasiglahan sa mga bansa sa rehiyong ito sa magkakasamang pagharap sa presyur ng pagbaba ng kabuhayang pandaigdig, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng