Sa kauna-unahang pagkakataon, nakapanayam ni Mac Ramos ang Pangulo ng Xavier School na si Rev. Fr. Aristotle Dy. Kanyang ibinahagi ang panukat ng tagumpay sa kanilang programang Xavier China Experience at kung bakit ito itinuturing na "defining feature" ng Xavier education. Ipinahayag din ni Fr. Ari na isang mainam na tulay ang Xavier China Experience ng masiglang pagpapalitan ng mga Tsino at Pilipino. Ang buong interview ay mapapakinggan sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Sina Machelle Ramos (kaliwa) at Rev. Fr. Aristotle Dy (kanan)
Mga guro at mag-aaral ng Xavier School na dumalaw sa BeiHang University sa Beijing
Pagdalaw sa museo ng Bejing University of Aerospace and Astronautics ng mga kasali sa Xavier China Experience