60 estudyanteng Lao, ginawaran ng "Chinese Ambassador Scholarship"

(GMT+08:00) 2019-12-25 15:08:03       CRI2019-12-25 15:08:04

60 estudyanteng Lao, ginawaran ng "Chinese Ambassador Scholarship"

National University of Laos, Vientiane — Idinaos nitong Martes, Disyembre 24, 2019 ang seremonya ng paggagawad ng "Chinese Ambassador Scholarship" kung saan ginawaran ng scholarship ang 60 mahusay na estudyanteng Lao. Dumalo sa seremonyang ito sina Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos, at Somsy Gnophanxay, Presidente ng National University ng Laos.

60 estudyanteng Lao, ginawaran ng "Chinese Ambassador Scholarship"

Si Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos

Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Jiang na kapwang pinahahalagahan ng dalawang partido at pamahalaan ng Tsina at Laos ang usapin ng edukasyon. Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na magbigay-tulong sa mga estudyanteng Lao upang makapag-aral sa Tsina.

Salin: Li Feng