Isa pang generating unit ng Nam Ou River hydropower project ng Laos, naisaoperasyon

(GMT+08:00) 2019-12-26 15:40:29       CRI2019-12-26 15:40:30

Sinimulan ngayong araw, Huwebes, ika-26 ng Disyembre 2019, ang operasyon ng unang generating unit ng ika-2 yugto ng Nam Ou River hydropower project, na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Laos at may puhunan ng Power Construction Corporation of China.

Lumahok sa seremonya ng pagsasaoperasyon sina Khammany Inthilath, Ministro ng Enerhiya at Pagmimina ng Laos, at Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa bansang ito. Hinahangaan nila ang proyektong ito bilang isa sa mga bunga ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Laos. Ito rin anila ay isang proyektong pang-enerhiya na makakabuti sa kapaligiran at makakatulong sa sustenableng pag-unlad.

Salin: Liu Kai