28 patay sa pananalasa ng Bagyong Ursula

(GMT+08:00) 2019-12-27 17:33:35       CRI2019-12-27 17:33:36

Sinalanta ng Bagyong Ursula (Phanfone) ang pulo ng Samar sa gitnang Pilipinas bisperas ng Pasko. 28 katao ang naiulat na nasawi at 12 ang nawawala.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ng Pilipinas, puspusan ang paghahanap ng kanilang rescue teams sa mga nawawala.

Hanggang ngayon, naapektuhan ng bagyo ang halos 185,000 mamamayan mula sa 584 baranggay sa iba't ibang lalawigan ng Visayas at sa ilang mga bahagi ng Mindanao sa dakong timog Pilipinas.

43,000 mga residente ang inilikas sa mga pansamantalang tirahan dahil sa malakas na ulan at paghaba na dulot ng bagyo. Nasira sa iba't ibang antas ang higit sa 2,000 bahay, kabilang ang 55 paaralan. Kinansela rin ang halos 150 lokal at internasyonal na flight sa mga paliparan sa mga apektadong lugar ng bansa.

Salin: Zhang Ziyue