Pinakamahabang tunel sa China-Laos Railway, nabuksan nang maaga

(GMT+08:00) 2019-12-27 17:38:00       CRI2019-12-27 17:38:01

Ika-27 ng Disyembre, nakumpleto ang Ban Sen No. 2 Tunnel, pinakamahabang tunel sa China-Laos Railway.

9384 metro ang haba ng Ban Sen No. 2 Tunnel, at matatagpuan ito sa tropikal na kagubatan at kabundokan sa pagitan ng Probinsya ng Luang Prabang at Probinsya ng Vientiane, Laos.

Isinagawa ng Power China Sinohydro Bureau 3 Co., LTD (Sinohydro 3) at Sinohydro 14 ang gawain na pagtatayo ng tunel na ito. Napagtagumpayan nila ang mga paghihirap, tulad ng matarik na lupain, kumplikadong heolohiya, masaganang tubig bukal, transportasyon ng materyal, at nakumpleto ang proyekto 7 buwan mas maaga.

Salin: Zhang Ziyue