Ayon sa datos na magkasanib na isinapubliko Martes, Disyembre 31, 2019 ng Sentro ng Pag-imbestiga sa Industriyang Pangserbisyo ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, at Asosasyon ng Lohistiko at Pagbili ng Tsina, sa kasalukuyang buwan, umabot sa 50.2% ang Purchasing Managers' Index (PMI) na katulad pa rin noong nagdaang buwan.
Sa saklaw ng mga bahay-kalakal, 50.6% ang PMI ng mga malaking kompanya na bumaba ng 0.3% kumpara noong nagdaang buwan; 51.4% naman ang PMI ng mga katam-tamang laki na bahay-kalakal na tumaas ng 1.9%; 47.2% ang PMI ng mga maliit na kompanya na bumaba ng 2.2% kumpara sa nagdaang Nobyembre.
Salin: Li Feng