Tsina at Brunei, itinakda ang 2020 bilang taong panturismo

(GMT+08:00) 2020-01-01 11:50:40       CRI2020-01-01 11:50:41

Ayon sa pahayag na inilabas kahapon, Martes, ika-31 ng Disyembre 2019, ng Ministri ng mga Yamang Primarya at Turismo ng Brunei, ang 2020 ay taong panturismo ng Brunei at Tsina. Sa pamamagitan nito, palalakasin ng dalawang bansa ang pagtutulungang panturismo at pagpapalitang pangkultura, dagdag ng pahayag.

Ayon pa rin sa naturang ministri, idaraos sa ika-17 ng buwang ito sa Bandar Seri Begawan ang seremonya ng pagsisimula ng taong panturismo.

Salin: Liu Kai