Ayon sa ulat ng panig opisyal ng Kambodya, hanggang kaninang umaga, Linggo, ika-5 ng Enero 2020, 36 na katao na ang naitalang nasawi, at 23 iba pa ang nasugatan sa pagguho ng isang 6-palapag na arkitektura, sa lunsod ng Kep sa timog kanlurang bahagi ng Kambodya.
Ayon pa rin sa ulat, gumuho ang naturang arkitektura habang itinatayo ang ika-7 palapag nito. Ang lahat ng mga kasuwalti ay mga trabahante at kani-kanilang mga pamilya.
Sinabi naman ng isang opisyal ng lokal na pamahalaan, na inaresto na ang may-ari ng naturang arkitektura, dahil mayroon lamang siyang lisensya para magtayo ng 5-palapag na arkitektura.
Nangyari ang aksidente, Biyernes, Enero 3, 2020.
Salin: Liu Kai