Xi Jinping: Tsina at Laos, nagkakaroon ng pinagbabahaginang kinabukasan

(GMT+08:00) 2020-01-07 09:06:16       CRI2020-01-07 09:06:17

Xi Jinping: Tsina at Laos, nagkakaroon ng pinagbabahaginang kinabukasan

Nakipagtagpo kahapon, Lunes, ika-6 ng Enero 2020, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos.

Sinabi ni Xi, na ang Tsina at Laos ay nagkakaroon ng pinagbabahaginang kinabukasan. Bukod dito, nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Laos, na pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan; palakasin ang koordinasyon ng mga estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang bansa; at pataasin sa bagong lebel ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.

Sinabi naman ni Thongloun, na ipinapatupad ng kanyang bansa ang plano ng aksyon ng Laos at Tsina tungkol sa pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan. Aktibo rin aniyang pasusulungin ng Laos ang mga proyektong pangkooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative, na gaya ng Laos-China Railway. Ang mga ito ay makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan at pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng Laos, dagdag niya.

Salin: Liu Kai