Death toll sa baha at pagguho sa Indonesya, umabot sa 67

(GMT+08:00) 2020-01-07 09:49:10       CRI2020-01-07 09:49:11

Ayon sa ulat ng Indonesian Disaster Management Agency, hanggang kahapon, Lunes, ika-6 ng Enero 2020, umabot sa 67 ang bilang ng mga nasawi sa baha at landslide sa Jakarta, kabisera ng bansang ito, at mga nakapaligid ng lugar. Ang naturang baha at pagguho ay dulot ng malakas na ulan simula ng huling araw ng nagdaang taon.

Ayon pa rin sa nasabing ahensiya, sa loob ng darating na ilang araw, magpapatuloy ang malakas na ulan sa nabanggit na mga lugar, at posible muling maganap ang baha at pagguho.

Salin: Liu Kai