Pagpapalitan ng mga lehislatura ng Tsina at Laos, palalalimin

(GMT+08:00) 2020-01-07 15:08:23       CRI2020-01-07 15:08:24

Nagtagpo kahapon, Lunes, ika-6 ng Enero 2020, sa Beijing, sina Tagapangulo Li Zhanshu ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina at Punong Ministro Thongloun Sisoulith ng Laos.

Ipinahayag ng kapwa lider ang kahandaang palalimin ang pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Laos sa iba't ibang larangang kinabibilangan ng pagpapalitan ng mga lehislatura.

Salin: Liu Kai