Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-10 ng Enero 2020, sa Beijing, ang taunang National Science and Technology Award Conference ng Tsina.
Ginawaran ng mga gantimpala ang 12 eksperto at 296 na proyektong pansiyensiya at panteknolohiya. Sumasaklaw ang mga ito sa iba't ibang aspekto mula saligang pananaliksik hanggang sa pagdedebelop at paggamit ng teknolohiya. Kabilang dito, may mga proyektong nakaabot sa sulong na lebel ng siyensiya at teknolohiya ng daigdig, at mayroon ding mga bagong proyektong walang katulad sa loob ng Tsina.
Salin: Liu Kai