Mga Klasikong Sinipi ni Xi Jinping, ini-ere sa Myanmar

(GMT+08:00) 2020-01-14 20:57:25       CRI2020-01-14 20:57:26

Mga Klasikong Sinipi ni Xi Jinping, ini-ere sa Myanmar

Bago ang gagawing pagdalaw sa Myanmar ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sinimulan ngayong araw, Martes, ika-14 ng Enero 2020, ang pagsasahimpapawid sa Sky Net Television, pinakamalaking telebisyong komersyal ng bansang ito, ng Myanmar version ng feature program na "Mga Klasikong Sinipi ni Xi Jinping," na ginawa ng China Media Group.

Mga Klasikong Sinipi ni Xi Jinping, ini-ere sa Myanmar

Sa seremonya ng pagsisimula ng pagsasahimpapawid na idinaos nang araw ring iyon sa Yangon, Myanmar, inilabas din ang Myanmar version ng aklat na "Mga Klasikong Sinipi ni Xi Jinping," na ginawa ng China Media Group.

Salin: Liu Kai