China Coast Guard, bumiyahe sa Pilipinas; cooperation ng Tsina at Pilipinas, bagong hakbang pasulong

(GMT+08:00) 2020-01-16 09:56:48       CRI2020-01-16 09:56:49

China Coast Guard, bumiyahe sa Pilipinas; cooperation ng Tsina at Pilipinas, bagong hakbang pasulong

Nitong Martes ng umaga, Enero 14, 2020, dumaong sa Port of Manila ang China Coast Guard vessel 5204 (CCG). Ito ang unang pagkakataong bumiyahe ang China Coast Guard sa Pilipinas.

China Coast Guard, bumiyahe sa Pilipinas; cooperation ng Tsina at Pilipinas, bagong hakbang pasulong

Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sumasagisag itong ang Coast Guard cooperation ng Tsina at Pilipinas ay bagong hakbang pasulong.

China Coast Guard, bumiyahe sa Pilipinas; cooperation ng Tsina at Pilipinas, bagong hakbang pasulong

Ayon kay Geng, bilang tugon sa pagsabog ng bulkang Taal kamakailan, nag-abuloy ang CCG 5204 ng mga reserbang pagkain ng barko sa mga apektadong mamamayang lokal para ipakita ang kabutihan at damdamin ng mga mamamayang Tsino sa mga mamamayang Pilipino.

China Coast Guard, bumiyahe sa Pilipinas; cooperation ng Tsina at Pilipinas, bagong hakbang pasulong

China Coast Guard, bumiyahe sa Pilipinas; cooperation ng Tsina at Pilipinas, bagong hakbang pasulong

China Coast Guard, bumiyahe sa Pilipinas; cooperation ng Tsina at Pilipinas, bagong hakbang pasulong

Dagdag pa ni Geng, ang nasabing biyahe ng CCG sa Pilipinas ay bahagi ng serye ng pagpapalitang pangkaibigan na itinakda sa Ika-3 Pulong ng Joint Coast Guard Committee on Maritime Cooperation ng mga coast guard ng dalawang bansa. Sa panahon ng pulong, malalimang magpapalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa kooperasyon ng pagpapatupad ng batas sa dagat, at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan, ani Geng.

Salin: Li Feng