Xi Jinping, dumating ng Myanmar

(GMT+08:00) 2020-01-17 15:17:07       CRI2020-01-17 15:17:08

Xi Jinping, dumating ng Myanmar

Dumating ngayong tanghali, Biyernes, ika-17 ng Enero 2020, sa Nay Pyi Taw, Myanmar, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa bansang ito.

Sa paliparan, sinalubong si Xi ni Unang Pangalawang Pangulong Myint Swe ng Myanmar at iba pang mga mataas na opisyal ng bansang ito.

Ito ang unang pagdalaw ni Xi sa ibang bansa sa taong 2020. Samantala, ang taong ito ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar.

Salin: Liu Kai