Dokumentaryong "China: Time of Xi" sa wikang Burmese, isinasahimpapawid sa Myanmar

(GMT+08:00) 2020-01-17 12:13:01       CRI2020-01-17 12:13:02

Sa bisperas ng gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Myanmar, ginanap nitong Huwebes, Enero 16, 2020 sa Yangon, Myanmar ang seremonya ng paglulunsad ng pagsasahimpapawid ng dokumentaryong "China: Time of Xi" sa wikang Burmese.

Dokumentaryong "China: Time of Xi" sa wikang Burmese, isinasahimpapawid sa Myanmar

Ang nasabing aktibidad ay magkakasamang itinaguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, Embahada ng Tsina sa Myanmar, at Ministri ng Impormasyon ng Myanmar.

May tatlong episode ang nasabing dokumentaryong magkasanib na ginawa ng China Intercontinental Communication Center at Discovery Channel ng Amerika. Sa pamamagitan ng isang serye ng mga kuwento, sistematikong inilahad nito ang praktika at tagumpay ng governance ni Pangulong Xi Jinping.

Dokumentaryong "China: Time of Xi" sa wikang Burmese, isinasahimpapawid sa Myanmar

Nakatakdang isahimpapawid ang nasabing dokumentaryo sa Sky Net, pinakamalaking commercial TV Station ng Myanmar, sa ginintuang panahon ng gabi mula Enero 16 hanggang Enero 18. Ilalabas din ito sa mga plataporma ng mga pangunahing media ng Myanmar.

Salin: Vera