China-Myanmar Oil & Gas Pipeline Project: tulay ng pagkakaibigang Paukphaw friendship ng Tsina at Myanmar

(GMT+08:00) 2020-01-19 17:32:42       CRI2020-01-19 17:32:43

Ang China-Myanmar Oil & Gas Pipeline Project, mula lunsod Kyauk Phyu ng Myanmar hanggang sa lunsod Ruili ng Tsina, ay mahalagang pangkooperasyong proyektong pang-enerhiya ng dalawang bansa.

Sa makasaysayang pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Myanmar, kinapanayam ng China Media Group (CMG) ang mga staff ng proyektong ito.

Sinabi ni Bai Yuntao, isang manggagawang Tsinong 6 na taon nang nagtatrabaho sa Myanmar, na ang pinakamasayang panahon para sa kanya ay ang araw ng nagluwal ng langis at gas ang proyekto noong 2017.

Ang China-Myanmar Oil&Gas Pipeline Project ay naging tsanel na nagdudulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng Tsina at Myanmar, at nagdudulot ng aktuwal na kapakanang pangkabuhayan sa mga lokal na mamamayan. Ito ay naging mahalagang tulay na nag-uugnay ng pagkakaibigang Paukphaw ng Tsina at Myanmar.

Samantala, ipinahayg ni Sai Zar Ni, manggagawa ng Myanmar na napakalaki ng kapakinabangan na dulot ng proyekto sa larangan ng empleyo at pag-unlad ng rehiyong ito. Lubos niyang inaasahan ang mabuting kinabukasan ng proyekto.

Salin:Sarah