Napag-alaman Lunes, Enero 27, 2020 ng mamamahayag mula sa National Food and Strategic Reserves Administration ng Tsina na upang mapabuti ang gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng pneumonia na dulot ng bagong uri ng coronavirus, puspusang pinapalakas ng nasabing administrasyon ang gawain ng paggarantiya sa suplay at pagpapatatag ng presyo ng pamilihan ng pagkain-butil ng bansa.
Ayon sa salaysay, sa kasalukuyan, sapat ang reserba at suplay ng pagkain-butil at langis sa buong bansa, maayos ang pamilihan, at matatag ang presyo. Pinag-iibayo ng mga departamento ng pagkain-butil at estratehikong reserba sa iba't ibang antas ang kani-kanilang gawain sa mga aspektong gaya ng pagpoprodyus, paghahatid at distribusyon, para maigarantiya ang suplay ng pagkain-butil at langis.
Salin: Vera