Tsina at Laos, nagtutulong sa paglaban sa 2019-nCov

(GMT+08:00) 2020-02-04 15:53:28       CRI2020-02-04 15:53:29

Tsina at Laos, nagtutulong sa paglaban sa 2019-nCov

Ipinahayag Pebrero 3, 2020, ni Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos, na napapanatili ng Tsina at Laos ang mahigpit na kooperasyon sa harap ng novel corona virus (2019-nCov).

Sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap, wala pang kaso ng virus sa Laos hanggang ngayon.

Ipinahayag niya na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pagpigil sa epidemya sa Laos, at ipinagkaloob ang kinauukulang impormasyon sa Laos.

Binigyan-diin ni Jiang na ang Tsina ay mayroong kapasiyan, kompiyansa at kakayahan sa paglaban sa epidemya.

Salin: Sarah