DFA Undersecretary: lalabas ang Tsina mula sa kasalukuyang mga pagsubok

(GMT+08:00) 2020-02-09 15:21:22       CRI2020-02-09 15:21:23

Sinabi kamakailan ni Brigido J. Dulay, Foreign Affairs Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns ng Pilipinas, na nananalig ang kanyang bansa, na lalabas ang Tsina mula sa kasalukuyang mga pagsubok, sa pamamagitan ng pinatibay na sigla at lakas.

Ini-abuloy ng Pilipinas ang mga surgical face mask, protection suit, medical glove, sanitation product, at goggle sa lalawigang Hubei sa gitna ng Tsina, na epicenter ng epidemiya ng novel coronavirus.

Ani Dulay, ang tulong na ito ay nagpapakita ng paninindigan ng Pilipinas sa matatag na pagkakaibigan at pamana ng pagtutulungan na naging tanda ng ugnayang Pilipino-Tsino nitong mga taong nakalipas.

"Sa mga mamamayan ng Tsina, sinasabi namin na 'Jiayou' (Maging malakas)!" Dagdag pa ni Dulay.

Salin: Liu Kai